Jake pinuri si Andi bilang mommy ni Ellie, tinawag pang MVP

Sky Nguyen nguồn bình luận 999
A- A A+
PINURI ni Jake Ejercito ang pagiging mabuti at responsableng nanay ni Andi Eigenmann, lalo na sa kanilang anak na si Ellie.
Jake pinuri si Andi bilang mommy ni Ellie, tinawag pang MVP
ilustrasyon

Hindi sinolo ng aktor ang credit sa maayos at magandang pagpapalaki niya kay Ellie dahil alam niyang naging malaking bahagi rin si Andi kung anuman ang personalidad ngayon ng kanilang anak.

Umani kasi ng magaganda at positive comments si Jake nang mag-effort siyang sunduin nang personal si Ellie sa Siargao kung saan ito nag-stay ng ilang linggo kasama si Andi at ang kanyang mga kapatid sa ina.

At bago bumalik ng Manila, nag-bonding muna ang mag-ama sa ilang magagandang lugar sa Siargao. Chika nga ni Jake, si Ellie mismo ang nagsilbing tour guide niya sa pag-iikot sa isla.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ang aktor ng isang video clip kung saan mapapanood ang bonding moments nila ng anak, kabilang na ang pagsu-swimming nila sa Siargao.

Aniya sa caption, “Been receiving lots of positive comments about me being a ‘good’ dad to Ellie.

“Though I am truly humbled by and appreciate all the kind words, I honestly don’t think I’m doing anything special. I’m just trying to be the best dad for my daughter.

“With that said, I’d also like to point out that I couldn’t have done it alone, especially at the beginning at such a young age and in a less than ideal situation,” pahayag pa ng binatang ama.

Aniya pa, “God knows how it would’ve turned out without the guidance and support extended to me/us by my parents, siblings, relatives, friends, and our kasambahays. And of course, Andi’s been a great co-parent too. They da real MVP’s!

“The photos and videos you see are mostly just me and Ellie, but it does take a village to raise a child and boy do we have an awesome one,” mensahe pa ng tatay ni Ellie.

Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng mga batang ama tulad niya, “To all young dads out there, there’s nothing more fulfilling and beautiful in the world than to grow with and be best buddies with your child.

“Anyway, here’s a clip of our first pool day in almost 2 years. Cheers from Siargao!” dagdag pa ng aktor.

Narito naman ang ilang comments ng netizen sa post ni Jake.

“Tama yan habang nakakarga at nayayakap, nakakakalaro, ang mga anak sasamantalahin na kc pg lumaki na iba na gusto nilang kasama mga friend na nila kaya ok yang ginagawa mo Jake Go‌dbless you Ellie sana lagi kang mabait khit paglaki mo.”

“Ang saya ng mag ama kitang kita sa ngiti nila stay safe po.”

“Yan ang mabuting ama sa anak. hinde nya pinanabayaan  ang kanyang anak. both side magkasund. basta ang ginagawa mo para sa anak mo. ipagpatuloy mo yan. hanggang sa magkapamilya na ang anak mo.ipinagmamalakita kita idol.makamukha kayo ng ng unika hiya mo. Go‌d bless.”

“Sana ganyan lahat ng father d lang material ibigay sa anak kc ang material  madali lng pero yung time mo para ipadama sa anak mo ang love ay napakaimportnte sa mga bata.”

Nguồn Tin:
Video và Bài nổi bật